U.S. Pres. Joe Biden nagtungo sa Uvalde, Texas para makiramay sa mga naulila sa naganap na mass shooting
Nagtungo sa Texas si US President Joe Biden kasama si US First Lady Jill Biden.
Ito ay para makiramay sa pamilya ng 21 nasawi sa pamamaril sa elementary school sa Uvalde.
Sa Robb Elementary School binisita ni Biden ang memorial para sa 21 biktima.
Dumalo din si Biden sa misa na idinaos sa Sacred Heart Catholic Church.
Matapos ito ay nagkaroon ng pribadong pulong ang presidente sa mga naulilang pamilya. (DDC)