Nasawi sa drug war ng administrasyon umabot na sa mahigit 6,000

Nasawi sa drug war ng administrasyon umabot na sa mahigit 6,000

Inanunsyo ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na umabot na sa 6,248 ang bilang ng mga nasawi sa drug war ng administrasyon.

Ang nasabing datos ay mula July 1, 2016 hanggang noong Apr. 30, 2022.

Sa Real Numbers PH report ng PDEA, umabot sa 341,494 na suspek ang naaresto sa ikinasang 236,620 na drug war operations na nagsimula nang maupo sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon din sa datos, mayroon pang 10,410 na mga barangay ang hindi pa naidedeklarang “cleared” sa ilegal na droga.

Habang naiproklama namang drug free na ang 25,061 na mga barangay sa bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *