200 bagong kaso ng COVID-19 naitala sa bansa
Nakapagtala ng 200 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa araw ng Linggo, May 29.
Dahil dito umayat na sa 3,690,254 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Wala namang naitalang dagdag na nasawi.
Nakapagtala naman ng dagdag na 199 na bilang ng mga gumaling.
Ayon sa OCTA Research, mayroong 2,434 na aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa. (DDC)