Face-to-face schooling mas mainam para sa mga bata – DOH
Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang mga magulang at guardians tungkol sa benepisyo ng face-to-face schooling para sa mga kabataan.
Ayon sa inilabas na abiso ng DOH, ang F2F attendance sa eskwelahan ay makatutulong pa sa development ng cognitive at social skills ng mga bata.
Sa F2F sinabi ng DOH na napo-promote ang physical at mental health ng mga bata base sa scientific na pag-aaral.
Mapababa naman ayon sa DOH ang banta ng COVID-19 sa mga paaralan kung ang mga guro, mag-aaral at bia pang school personnel ay bakunado na at may booster shot na. (DDC)