NTC, inaprubahan ang registration sa Pilipinas ng Starlink na pag-aari ni Elon Musk

NTC, inaprubahan ang registration sa Pilipinas ng Starlink na pag-aari ni Elon Musk

Inaprubahan na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang registration ng Starlink Internet Services Philippines Inc., isang subsidiary ng Starlink satellite internet service na pag-aari ng tech billionaire na si Elon Musk bilang internet service provider sa bansa.

Inanunsyo ng NTC ngayong Biyernes, May 27, ang approval ng value-added service (VAS) provider registration ng Starlink Internet Services Philippines Inc.

Dahil dito, sinabi ng NTC na papayagan ang kumpanya na magsimulang magbigay ng internet services sa bansa.

“The NTC is steadfast in helping ensure that roll-out of Starlink’s internet access services will be done expeditiously and professionally,” saad ni NTC commissioner Gamaliel Cordoba sa inilabas na statement.

Ipinaliwanag ng NTC na dahil sa registration ng Starlink sa Pilipinas, pinapayagan na ang kumpanya na magkaroon ng direct access sa satellelite systems, at magtayo at mag-operate ng broadband facilities para mag-alok ng internet services.

Idinagdag ng NTC na ang alok na serbiyso ay high-speed, low latency satellite internet service na may download speeds sa pagitan ng 100Mbps hanggang 200Mbps.

“We would like to thank the NTC for issuing Starlink’s VAS license 30 minutes after we submitted our application with complete requirements,” pahayag ni Atty. Bien Marquez, counsel ng SpaceX na parent firm ng Starlink.

“This shows the government’s seriousness in addressing the connectivity needs of our countrymen in unserved and underserved areas. This will also prepare us in the event of natural disasters and calamities,” dagdag pa niya.

Ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa Southeast Asia na magkakaroon ng Starlink satellite internet service. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *