Halos 2 million doses ng COVID-19 vaccine ma-eexpire na sa susunod na buwan
Mayroon pang halos dalawang milyong bakuna kontra COVID-19 ang nakatakda nang ma-expire sa katapusan ng buwan ng Hunyo.
Sa Laging Handa briefing sinabi ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje na nagsumite na sila ng “demand forecast” sa COVAX facility para mapalitan ang mga bakunang mae-expire na.
Partikular aniyang hiniling ng DOH sa COVAX facility ang 34 million doses na bakuna upang mapalitan ang mga na-exipre ang bakuna at ang mga ma-eexpire pa lang.
Kabilang dito ang mga brand ng Sinovac, AstraZeneca, at Pfizer.
Sa ngayon sinabi ni Cabotaje na umaabot sa 200,000 doses ng COVID-19 vaccine ang nagagamit ng pamahalaan. (DDC)