Pitong estado sa US may kaso na ng monkeypox
Umabot na sa siyam ang naitatalang kaso ng monkeypox sa Estados Unidos at kumpirmadong pitong states na ang may naitalang kaso.
Ayon sa U.S. Centers for Diseases Control and Prevention (CDC), naitala ang siyam na kaso sa Massachusetts, Florida, Utah, Washington, California, Virginia at New York.
Ayon kay CDC Director Rochelle Walensky, lahat ng kaso ng monkeypox sa U.S. ay kinabibilangan ng gay o bisexual men.
Nakaranas sila ng sintomas gaya ng lagnat at rashes.
Pawang mild lamang ang karamihan sa mga kaso. (DDC)