Suspek sa tangkang pagdukot sa isang menor de edad sa Las Piñas naaresto ng mga otoridad

Suspek sa tangkang pagdukot sa isang menor de edad sa Las Piñas naaresto ng mga otoridad

Nadakip sa follow up operations ng mga otoridad ang lalaking suspek na nagtangkang dumukot sa isang 15-anyos na dalagita sa Las Piñas City.

Sa CCTV footage na ibinahagi sa social media, makikitang naglalakad lang ang biktimang si alyas “Mae” sa bahagi ng Brgy. talon 5 alas 9:00 ng gabi ng Miyerkules (May 25) nang bigla siyang hatakin ng suspek papasok sa isang nakaparadang sasakyan.

Ayon sa biktima, tinakot siya ng suspek na babarilin siya kapag hindi sumakay.

Pero may mga concerned riders na akapansin sa komosyon dahilan para umalis ang mga suspek.

Ayon kay Police Brig. Gen. Jimili Macaraec, director ng Southern Police District, naaresot ang isa sa mga suspek na si Leonardo Alfaro, 33 anyos.

Si Alfaro ang humahatak sa biktima papasok sa sasakyan base sa CCT footage.

Nakuha sa suspek ang isang granada at isang Magnum 357 revolver na may mga bala.

Nakatakdang sampahan ang suspek ng kasoong paglabag sa RA 10591 in relation to violation of Omnibus Election Code at Illegal Possession of Explosive. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *