BSP Gov. Diokno magsisilbing Finance secretary sa ilalim ng Marcos admin
Si Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno ang itatalaga bilang kalihim ng Department of Finance (DOF).
Inanunsyo ito ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagharap sa press conference.
Binanggit din ni Marcos na si Felipe Medalla ang papalit kay Diokno sa BSP.
Nagsimulang maging BSP governor si Diokno noong March 2019.
Bago maitalaga sa BSP, nagsilbi munang kalihim ng Department of Budget and Management si Diokno sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Duterte.
Si Medalla naman ay miyembro ng Monetary Board simula July 2011. (DDC)