Global shortage ng patatas na ginagamit sa paggawa ng french fries kinumpirma ng DA

Global shortage ng patatas na ginagamit sa paggawa ng french fries kinumpirma ng DA

Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na mayroong nararanasang kakapusan sa suplay ng patatas sa buong mundo.

Partikular dito ang patatas na ginagamit sa paggawa ng french fries sa mga fast food chain.

Dahil sa kakapusan ng suplay ng patatas, ang mga fast food chain dito sa Pilipinas ay nagpapatupad na limit sa pagsisilbi ng kanilang french fries.

Gaya na lamang sa isang fast food chain na hindi na muna nagbebenta ng large at ng tanyag nilang BFF fries, at sa halip at regular fries lamang ang iniaalok sa kanilang mga customer.

Sa isang panayam sinabi ni Agriculture Usec. Kristine Evangelista, karaniwang inaangkat ang mga patatas na ginagamit ng mga fast food chains.

Ayon naamn sa grupong SINAG o Samahang Indistriya ng Agrikultura, mayroon ding mga magsasaka dito sa Pilipinas ang huminto sa pagtatanim ng patatas.

Bunsod ito ng pagtaas ng presyo ng fertilizer at produktong petrolyo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *