Atty. Trixie Angeles binati ng PCOO

Atty. Trixie Angeles binati ng PCOO

Welcome sa Presidential Communications Office (PCOO) ang nominasyon kay Atty. Rose Beatrix “Trixie” Cruz-Angeles bilang susunod na inuno ng PCOO.

Sa pahayag sinabi ni PCOO secretary at acting presidential spokesperson Martin Andanar binati nito si Cruz-Angeles para sa magiging bagong posisyon sa gobyerno.

Ani Andanar, hindi na bago si Cruz-Angeles sa PCOO.

Noong mga unang taon aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte ay nanilbihan na sa PCOO si Cruz-Angeles.

Una nang sinabi ni Atty. Vic Rodriguez na tinanggap na ni Cruz-Angeles ang nomination para pamunuan niya ang PCOO.

Si Angeles ay dating legal counsel ng National Commission for Culture and the Arts.

Taong 2016, pinatawan siya ng suspensyon ng Korte Suprema dahil sa kabiguang gampanan ang kaniyang tungkulin sa hinahawakang annulment case.

Napatunayan ng SC na nilabag ni Cruz-Angeles at ng law partner niyang Wylie Paler ang Rule 1.01 ng Code of Professional Responsibility. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *