14 na dayuhang turista, 2 Pinoy na bumisita sa Tubbataha sa Palawan nagpositibo sa COVID-19

14 na dayuhang turista, 2 Pinoy na bumisita sa Tubbataha sa Palawan nagpositibo sa COVID-19

Kinumpirma ng Incident Management Team ng Puerto Princesa na mayroong labinganim na katao ang nagpositibo sa COVID-19 matapos ang pagbisita nila sa Tubbataha Reefs Natural Park.

Ayon kay IMT commander Dr. Dean Palanca, sa 16 na nagpositibo sa COVID-19, 14 ay pawang dayuhang tutista at ang dalawa naman ay crew ng isang yate.

Karamihan aniya sa mga turistang nagpositibo sa sakit ay pawang American nationals at Europeans.

Ipadadala na sa Philippine Genome Center ang samples na kinuha mula sa kanila upang matukoy kung anong variant ng COVID-19 ang tumama sa mga ito.

Ang mga nagpositibo ay nasa isang quarantine facility sa Puerto Princesa.

Nabatid na noong May 14, 42 katao kabilang ang 23 dayuhan at 20 local crew memmbers ang sumakay sa isang yate patungong Tubbataha. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *