Pondo para sa voucher program ng DepEd mas tinaasan pa

Pondo para sa voucher program ng DepEd mas tinaasan pa

Nadagdagan pa ang pondong ilalaan ng Department of Education para sa kanilang voucher program sa School Year 2023-2024.

Ayon sa DepEd, inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang panukalang malaking dagdag sa Government Assistance and Subsidies programs – Senior High School Voucher (SHS VP) at Educational Service Contracting (ESC) sa ilalim ng Tier 1 budget proposal para sa Fiscal Year 2023.

Ayon sa DepEd, ang SHS VP ngayong taon ay P39.33 bilyon na sumasaklaw sa 1,132,155 voucher program beneficiaries (VPBs).

Samantala, inaprubahan naman ang P11.05 bilyon na budget na sasaklaw sa 1,031,193 ESC grantees.

Sinabi ng DepEd na sa pagtaas ng pondo para sa Voucher Program ay mas mahusay na maipatutupad ng DepEd ang mandato nito para pagbutihin at palawakin ang access sa dekalidad na edukasyon para sa Junior at Senior High Schools sa ilalim ng ESC at SHS VP. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *