Korte hinarang ang auction sa dress na isinuot ni Judy Garland sa musical-fantasy na “The Wizard of Oz”

Korte hinarang ang auction sa dress na isinuot ni Judy Garland sa musical-fantasy na “The Wizard of Oz”

Pinigilan ng US District Court sa Manhattan ang pagsasagawa ng auction sa dress na isinuot ni Judy Garland sa musical-fantasy na “The Wizard of Oz”.

Nagpasya ang korte na ipahinto muna ang auction matapos na maghain ng preliminary injunction ang isang ginang na nagsabing siya ang totoong nagmamay-ari ng dress na ginamit ni Garland bilang si “Dorothy”.

Ang nasabing dress ay nadiskubre sa Catholic University of America noong July 2021 habang nag-aayos para sa isasagawang renovation sa kanilang Hartke Theatre.

Nagpasya ang Unibersidad na i-auction ang dress at ang kikitain ay gagamitin sa pagtatayo ng bago nilang film acting program.

Pero ayon sa naghain ng petisyon na si Barbara Ann Hartke, ang nasabing dress ay pag-aari ng kaniyang tiyuhin na dating chairman ng drama department ng Catholic University dahil iniregalo ito sa kaniya noong 1973.

Inaasahan sanang maibebenta ang dress ng lagpas 1 million US dollars.

Pero ayon sa korte, hindi puwedeng ibenta ng unibersidad ang dress hangga’t hindi pa nareresolba ang kaso.

Sa June 9 nakatakdang magharap sa korte ang pamunuan ng unibersidad at si Hartke. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *