DOH magdaraos ng Town Hall session kaugnay sa Monkeypox
Magdaraos ng Town Hall session ang Department of Health (DOH) para talakayin ang mga impormasyon kaugnay sa Monkeypox.
Isasagawa ang online Town Hall session araw ng Miyerkules (May 25) sa pamamagitan ng Zoom.
Hinimok ng DOH ang lahat ng health workers, kasama ang mga doktor, nurse, midwives, pharmacist, medtechs, paramedicals, BHWs, at maging ang mga community colunteers na lumahok sa sesyon.
Ito ay para sa kaalaman hinggi sa Monkeypox na nakaaapekto ngayon sa ilang mga bansa.
Una nang sinabi ng World Health Organization na mayroon nang mahigit 130 case ng monkeypox na naitatala simula nang unang makapagtala ng kaso nito noong May 7 sa mga bansang hindi kadalasang tinatamaan ng sakit. (DDC)