Halos 2 million doses ng COVID-19 vaccine nai-administer sa house-to-house vaccination

Halos 2 million doses ng COVID-19 vaccine nai-administer sa house-to-house vaccination

Halos dalawang milyong doses ng COVID-19 vaccine ang nai-turok sa isinasagawang house-to-house vaccination program ng gobyerno.

Ayon sa datos mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG), 1,934,807 COVID-19 doses na ang nai-administer sa house-to-house vaccination.

Sa ngayon sinabi ng DILG na mayroong 811 cities at municipalities sa bansa ang nagsasagawa ng house-to-house vaccination.

Mayroong 784,548 ang nabigyan ng first dose at 792,498 naman ang nabigyan ng second dose.

Mayroon ding 350,237 na nabigyan ng kanilang unang booster shot at 7,524 ang nabigyan ng second booster.

Ang house-to-house vaccination ay iniutos ng DILG sa mga Local Government Unit para mas marami pa ang mabakunahan kontra COVID-19. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *