VP Robredo hindi na tututulan canvassing boto sa presidential at vice presidential elections

VP Robredo hindi na tututulan canvassing boto sa presidential at vice presidential elections

Wala nang ihahaing pagtutol ang kampo ni Vice Preisdent Leni Robredo sa ginagawang bilangan ng boto para sa resulta ng 2022 presidential at vice presidential elections.

Ayon sa election lawyer ni Robredo na si Atty. Romulo Macalintal, para hindi na magkaroon pa ng delay sa proseso, hindi na sila maghahain ng “objection” sa nagpapatuloy na canvassing.

Hiniling din ni Macalintal sa joint session ng Senado at Kongreso na mai-waive na ang kanilang apperance sa canvassing o payagan silang hindi na dumalo at saksihan ang proseso.

Dahil dito, inaasahang mas mapapabilis ang proseso ng canvassing.

Ayon kay Senator Juan Miguel Zubiri, maaring maisagawa na ang proklamasyon kina resumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at presumptive vice president Sara Duterte-Carpio sa Miyerkules ng hapon, Mayo 25. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *