CCTV dapat i-require na sa pagkuha ng business permits ng mga establisyimento
Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng lungsod at munisipalidad sa bansa na magpasa ng ordinansa na mag-aatas ng paglalagay ng CCTV systems bilang requirement sa pag-aaply ng of business permits sa mga establisyimento.
Ayon sa DILG partikular na dapat malagyan ng CCTV ang mga establisyimento na may malaking bilang customers.
Sinabi ni DILG Secretary Eduardo M. Año, na bumalik na ang mga tao sa kanilang pre-pandemic ways kaya dapat prayoridad ng mga LGU ang public safety at ang paglalagay ng “CCTVs” ay makatutulong laban sa krimen.
Sa ilalim ng DILG Memorandum Circular ang mga estab na dapat mayroong CCTV ay ang mga bangko, pawnshops, money lenders, money remittance services, shopping malls, shopping centers, supermarkets, wet markets; at mga, medical facilities gaya ng ospitals, clinics, at laboratories.
Pinalalagyan din ng CCTV ang mga sinehan, perya, internet cafes, arcades, public transportation terminals, parking lots, car dealerships, at gasolinahan.
Ayon naman kay DILG Undersecretary and Spokesperson Jonathan Malaya ang mga ilalagay na CCTV cameras ay dapat makatugon sa upgraded guidelines ng pamahalaan. (DDC)