Libreng transportasyon at accommodation sa mga umuuwing OFW ihihinto na ng OWWA sa ilalim ng pag-iral ng Alert Level 1

Libreng transportasyon at accommodation sa mga umuuwing OFW ihihinto na ng OWWA sa ilalim ng pag-iral ng Alert Level 1

Ihihinto na ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang pagbibigay ng transportation at accommodation assistance sa mga umuuwing Overseas Filipino Workers (OFWs) sa mga lugar na nakasailalim sa Alert Level 1.

Ayon sa OWWA, sa ilalim ng pag-iral ng Alert Level 1 sa Metro Manila at marami pang lugar sa bansa, nasa full capacity na ang mga public transportation.

Dahil dito, epektibo sa June 1, 2022 ay sususpendihin na ang libreng transportation at accommodation sa mga umuuwing OFWs.

Simula sa nasabing petsa, ihihinto na ang operasyon ng mga OWWA chartered bus sa PITX at OWWA sweeper flights sa NAIA Terminal 2.

Ayon sa OWWA, ang mga OFW na partially vaccinated o hindi pa bakunado ay required pa ring sumailalim sa mandatory facility-based quarantine kaya bibigyan pa din sila ng accommodation assistance ng DOLE at OWWA.

Gayunman, sasagutin na nila ang gastos sa kanilang biyahe pauwi ng kani-kanilang lugar pagkatapos ng kanilang quarantine. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *