Comelec nakatanggap na ng 30 electoral protests
Nakatanggap na ang Commission on Elections (Comelec) ng aabot sa 30 electoral protest kaugnay sa natapos na 2022 elections.
Ayon kay Comelec acting spokesperson Rex Laudiangco, sumasailalim na sa review ng Electoral Contests Adjudication Department and nasabing mga protesta.
Sakop lamang ng hurisdiksyon ng Comelec ang mga electoral protests sa city, provincial at regional positions.
Para sa mas matataas na posisyon gaya ng senador, bise presidente at presidente, ang protesta ay inihahain sa House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) o sa Presidential Electoral Tibunal (PET). (DDC)