DOH nakapagtala ng 1,214 na bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na isang linggo
Nakapagtala ng 1,214 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa mula May 16 hanggang May 22, 2022.
Ang datos ayon sa Department of Health (DOH) mas mababa ito ng 9.9 percent kumpara sa naitalang mga bagong kaso noong May 9 hanggang May 15.
Ayon sa DOH, sa 1,214 na bagong mga kaso, 14 ang severe at critical cases.
Habang nakapagtala naman ng 6 na dagdag na bilang ng mga nasawi .
Samantala, iniulat din ng DOH na mayroon nang 69,042,538 na fully vaccinated individuals.
Umabot naman na sa 13,860,791 ang nakatanggap ng booster shots. (DDC)