Border restrictions, pagtataas ng alert level hindi pa kailangan sa kabila ng kaso ng BA.4 sa bansa

Border restrictions, pagtataas ng alert level hindi pa kailangan sa kabila ng kaso ng BA.4 sa bansa

Hindi pa kailangang magpatupad ng border restrictions at magtaas ng alert level sa kabila ng pagkakaroon na ng Omicron subvariant BA.4 sa bansa.

Sa Laging Handa public briefing sinabi ni Dr. Rontgene Solante na masyado pang maaga para ipatupad ang border restrictions.

Kahit sa ibang bansa aniya na may mga kaso ng BA.4 at BA.5 ay hindi naman nagpapatupad ng border restrictions.

Sa halip sinabi ni Solante na dapat mahigpit na imonitor ang sitwasyon at isailalim sa test ang mga vulnerable indviduals.

Magugunitang isang lalaki na galing Middle East ang nagpositibo sa BA.4 makaraang dumating sa bansa noong May 4. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *