Kampanya ng Pilipinas sa SEA Games nagtapos sa 52 gintong medalya
Umabot sa 52 gintong medalya ang nahakot ng Pilipinas sa 31st Southeast Asian Games na ginaganap sa Hanoi, Vietnam.
Ayon sa Philippine Sports Commission (PSC) pormal nang nagtapos ang kampaya ng Pilipinas sa SEA Games.
Maliban sa 52 gold medals, nakakuha din ang Pilipinas ng 70 silver medals, at 104 bronze medals.
Pang-apat ang Pilipinas sa ranking kasunod ng Vietnam, Thailand, at Indonesia.
Binati naman ng PSC ang lahat ng national athletes at coaches, team at sports officials sa kanilang performance sa SEA Games. (DDC)