DOH naglabas ng abiso hinggil sa post COVID-19 condition o “Long COVID”
Nagpalabas ng abiso ang Department of Health (DOH) sa publiko sakaling makaranas ng post COVID-19 condition o iyong tinatawag na “Long COVID”.
Ayon sa DOH, ang pinakamabisa pa ring proteksyon ng pamilya at mga mahal sa buhay laban sa “Long COVID” ay ang patuloy na pagsunod sa minimum public health standards gaya ng pagsusuot ng face mask, pag-isolate kapag masama ang pakiramdam at pagtiyak ng maayos na riflow.
Kabilang din sa proteksyon ay ang pagpapabakuna at pagpapaturok ng booster shot.
Ayon sa DOH, ang “Long COVID” ay mayroong sintomas gaya ng panghihina, ubo, pananakit ng dibdib, kakapusan ng paghinga, joint pain, at iba pa.
Maari itong maranasan ng tatlong buwan matapos ma-infect o magpositibo sa COVID-19 at maaring tumagal ng dalawang buwan.
Sa ngayon ayon sa DOH wala pang test para ma-diagnose ang “Long COVID”.
Kung makararanas ng sintomas, pinayuhan ng DOH ang publiko na agad magpakonsulta o magtungo sa emergency room. (DDC)