Ikalawang 97-meter multi-role response vessel ng PCG parating na sa bansa
Darating na sa bansa sa June 1, 2022 ang ikalawang 97-meter multi-role response vessel (MRRV) ng Philippine Coast Guard (PCG).
Nasa Japan na ang inspection team ng Coast Guard para sa huling “harbor acceptance test and inspection” ng MRRV-9702 na kikilalanin bilang BRP MELCHORA AQUINO.
Maglalayag ito papuntang Pilipinas sa May 27, 2022 at aabutin ng limang araw sa biyahe.
Ayon sa Commanding Officer ng MRRV-9702 na si CG Commander Patrick Babag, mahalaga ang isinasagawang inspeksyon para masigurong “fully compliant” ang barko sa technical specifications na nakasaad sa kontrata.
Ang MRRV-9702 ay naka-modelo sa Kunigami-class vessel ng Japan Coast Guard (JCG), may bilis na hindi bababa sa 24 knots, at may endurance na hindi bababa sa 4,000 nautical miles. (DDC)