DFA magbubukas ng courtesy lane para sa mga Filipino Muslim na dadalo sa Hajj pilgrimage
Magbubukas ng courtesy lane ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Filipino Muslim na dadalo sa hajj pilgrimage sa Saudi Arabia.
Ito ay para masigurong mabilis silang makapagpoproseso ng kanilang pasaporte.
Ayon sa DFA, ang courtesy lane ay bubuksan sa mga Muslim Filipinos para sa walk-in accommodation mula May 23 hanggang June 3 sa mga consular offices sa bansa.
Kailangan lamang nilang ipakita ang kanilang Certificate of Muslim Filipino Tribal Membership (CTM) na inisyu ng National Commission on Muslim Filipinos.
Kailangan ding nakasaad sa CTM na ito ay inisyu para magamit sa hajj visa application. (DDC)