FDA wala pang natatanggap na aplikasyon para sa pagbibigay ng booster doses ng COVID-19 vaccine sa mga edad 5-11
Hinihintay pa ng Food and Drug Administration (FDA) ang aplikasyon para sa mabigyang otorisasyon ang pagbibigay ng booser shots ng COVID-19 vaccine sa mga batang edad 5 hanggang 11.
Sa Laging Handa public briefing sinabi ni FDA officer-in-charge Dr. Oscar Gutierrez na wala pang natatanggap na aplikasyon ang FDA para sa booster doses ng nasabing age group.
Sa sandaling mayroon nang maghain ng aplikasyon ay sasailalim ito sa evaluation ng FDA.
Kamakailan, inaprubahan na ng US FDA ang pagbibigay ng booster shots sa mga edad 5 hanggang 11 gamit ang Pfizer vaccine. (DDC)