Dalawang kaso ng moneypox naitala sa Australia
Nakapagtala ng kauna-unahang kaso ng monkeypox sa Australia.
Ayon sa mga otoridad, isang biyaherong lalaki na nasa edad 40s galing Europe ang nakitaan ng sintomas nang siya ay bumalik sa Sydney.
Naka-isolate na ngayon ang nasabing lalaki kasama ang isa niyang close contact.
Sa pahayag ng New South Wales Health authorities, positibo ang resulta ng preliminary test sa nasabing pasyente.
Samantala, isa pang biyaherong lalaki na nasa edad 30s ang nakitaan din ng mild na sintomas ng sakit.
Galing naman ng UK ang nasabing lalaki at dumating sa Melbourne noong May 16.
Nagpositibo din sa test ang nasabing lalaki at ngayon ay naka-isolate na.
Ang monkeypox ay kadalasang nakaaapekto sa central at western Africa.
Endemic ito sa Democratic Republic of Congo.
Maari itong mai-transmit ng person-to-person sa pamamagitan ng air droplets, close bodily contact o sa paggamit ng kontaminadong linens o iba pang bagay. (DDC)