Daily average ng bagong kaso ng COVID-19 sa NCR tumaas
Tumaas ng 19 percent ang daily average ng bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.
Sa datos mula sa OCTA Research, 71 ang naitalang 7-day average new cases ng COVID-19 mula May 13 hanggang May 19.
Mas mataas ito kumpara sa 59 lamang noong May 6 hanggang May 12.
Tumaas din ng bahagya ang one-week average daily attack rate (ADAR) mula sa 0/76 noong May 6 hanggang May 12 ay naging 0.90 noong May 13 hanggang May 19.
Nananatili naman sa 1.2 percent ang positivity rate sa NCR.
Ayon sa OCTA nasa “low” pa rin ang risk level sa Metro Manila. (DDC)