Mas maraming mangingisdang Pinoy, malayang nakapupunta sa Pag-asa Island

Mas maraming mangingisdang Pinoy, malayang nakapupunta sa Pag-asa Island

Tumaas ang presensya ng mga mangingisdang Pinoy sa Pag-asa Island ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sa isinagawang deployment ng Coast Guard contingent sa West Philippine Sea (WPS) mula May 12 hanggang May 14 2022, may na-monitor na 25 Filipino fishing boats na nagsasagawa ng fishing activities sa isla.

Inalam ng Coast Guard ang kanilang kondisyon at binigyan na din sila ng relief supplies at COVID-19 kits.

Ayon kay PCG Commandant, CG Admiral Artemio Abu, ang pagtaas ng presensya ng mga mangingisdang Pinoy sa West PH Sea ay kasunod ng pinaigting ding presensya ng Coast Guard sa lugar.

Mas kumpiyansa aniya ang mga Pinoy sa kanilang kaligtasan habang nangingisda sa lugar. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *