Marcos, Kamara, Senado at Comelec pinasasagot ng SC sa petisyon na humihiling na makansela ang COC ni BBM

Marcos, Kamara, Senado at Comelec pinasasagot ng SC sa petisyon na humihiling na makansela ang COC ni BBM

Pinasasagot ng Korte Suprema ang Commission on Elections (Comelec) at ang dalawang Kapulungan ng Kongreso, gayundin si presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa petisyon na humihiling na baliktarin ang ruling ng poll body na nagpatibay sa certificate of candidacy ni Marcos.

Sa briefer na inilabas ng Public Information Office ng SC, inatasan ng ang mga respondent na isumite ang kani-kanilang komento sa loob ng labinlimang araw.

Una nang umapela sa SC ang civic leaders hinggil sa naging desisyon ng Comelec second division noong Enero at ng Comelec en banc nitong Mayo na nagbasura sa kanilang petisyon na kanselahin ang COC ni Marcos.

Ang resolusyon ng SC ay para lamang sa unang petisyon at wala pang aksyon sa kaparehong petisyon na inihain ng martial law survivors. (Infinite Radio Calbayog)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *