10.9 milyong pamilyang Pilipino ikinukunsiderang mahirap ang kanilang sarili

10.9 milyong pamilyang Pilipino ikinukunsiderang mahirap ang kanilang sarili

Tinaya sa 10.9 milyong pamilyang Pilipino ang itinuturing ang kanilang sarili na mahirap sa unang quarter ng taon.

Batay ito sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa April 19 to 27 survey, lumitaw na 43 percent ng mga Pinoy ang nagsabing sila ay “poor” habang 34 percent ang “borderline poor.”

23 percent naman ang ikinunsidera ang kanilang sarili na “not poor.”

Ayon sa SWS, ang level noong first quarter ay kagaya lang din noong Disyembre ng nakaraang taon, kung saan 10.7 million o 43 percent ng mga pamilyang Pinoy ay nagsabing pakiramdam nila ay mahirap sila habang 39 percent ang “borderline poor” at 19 percent ay “not poor.” (Infinite Radio Calbayog)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *