Ramon Tulfo nagpalipas ng magdamag sa MPD-Smart sa Manila City Hall

Ramon Tulfo nagpalipas ng magdamag sa MPD-Smart sa Manila City Hall

Sa Manila Police District-Special Mayor’s Reaction Team o MPD-Smart sa Manila City Hall nagpalipas ng magdamag ang media personality na si Ramon Tulfo.

Ito ay makaraang maaresto si Tulfo kahapon dahil sa “warrant” na inisyu sa ng korte sa Manila Regional Trial Court kaugnay sa kasong cyber libel na kaniyang kinakaharap.

Ayon kay Manila Police District (MPD) chief Police Brig. Gen. Leo Francisco, kailangang maipaliwanag ni Tulfo sa korte kung bakit hindi siya nakakdadalo sa mga pagdinig ng kaso laban sa kaniya.

Binigyang-linaw naman ni Francisco na walang piyansa na kailangang ilagak si Tulfo.

Ito ay dahil “bench warrant” ang inisyu ng korte, at sa halip ay kailangan lamang niya na magpakita sa korte.

Ang kasong libel laban kay Tulfo ay isinampa sa kaniya ni dating Justice Sec. Vitaliano Aguirre.

Kaugnay ito sa mga artikulo ni Tulfo sa ilang pahayagan at sa online na nagsasangkot kay Aguirre sa “Pastillas Scheme” sa Bureau of Immigration. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *