3 PDEA agent, 4 na PNP personnel na sangkot sa “PDEA-PNP misencounter” noong nakaraang taon, pinakakasuhan na ng DOJ
Pinasasampahan na ng kasong homicide ng Department of Justice (DOJ) ang tatlong ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) habang “direct assault” naman sa apat na miyembro ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa madugong “PDEA-PNP misencounter” na naganap sa Commonwealth, Quezon City noong Pebrero 2021.
Magugunitang dalawang pulis, isang PDEA agent at isang informant ang nasawi sa engkwento.
Batay sa press briefer ng DOJ na may petsang May 17, kabilang sa mga pinasasampahan ng kasong homicide ay sina PDEA agents Khee Maricar Rodas, Jeffrey Baguidudol at Jelou Satiniaman.
ito ay bunsod ng pagkamatay ni Police Cpl. Eric Elvin Garado.
Sa hanay naman ng PNP, pinasasampahan ng kasong direct assault sina Police Cpl. Pail Christian Gandeza, Police Cpl. Honey Besas, Police Major Sandie Caparroso at Police Major Melvin Merida.
Nakatakdang isampa ang nasabing mga kaso sa Quezon City Regional Trial Court.
Dalawang reklamong homicide naman ang nabasura kaugnay sa pagkamatay ng isang pulis at isang PDEA agent dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensya. (DDC)