Panahon ng tag-ulan opisyal nang idineklara ng PAGASA
Simula na ng panahon ng tag-ulan sa bansa.
Ayon sa PAGASA, ang presensya ng frontal system at severe thunderstorms ay nagdulot ng malawakang pag-ulan sa nakalipas na limang araw .
Sa nakalipas na mga araw ay umiral din ang southwesterly windflow.
Dahil dito ayon sa weather bureau, nakamit na ang criteria para sa pormal na pagsisimula ng panahon ng tag-ulan sa bansa partikular sa western sections ng Luzon at Visayas.
Sinabi ng PAGASA na aasahan na ang manaka-nakang pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon sa Metro Manila at sa western sections ng bansa.
Inaasahan pa rin namang magkakaroon ng monsoon breaks na tatagal ng ilang araw o ilang linggo.
Maari pa ring makaapekto sa ilang bahagi ng bansa ang La NiƱa. (DDC)