Senior citizens, frontline health worker puwede nang tumanggap ng 2nd booster shot ng COVID-19 vaccine
Maari nang magpaturok ng 2nd booster shot ng COVID-19 vaccine ang mga frontline health worker (A1) at senior citizen (A2).
Ayon sa Department of Health (DOH, simula ngayong araw, May 18 puwede nang magpa-2nd booster ang mga nasa A1 at A2 priority group.
Moderna at Pfizer ang maaring ibigay para sa second booster shot.
Maari nang makapagpaturok ng second booster apat na buwan matapos tumanggap ng first booster. (DDC)