Pangulong Duterte nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ni UAE President Sheikh Khalifa
Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa gobyerno ng United Arab Emirates (UAE) at mga mamamayan nito kasunod ng pagpanaw ni UAE President, His Highness Sheikh Khalifa bin Zayed Al Nahyan.
Sa inilabas na pahayag ng Office of Presidential Protocol at Office of Presidential Assistant on Foreign Affairs, ipinaabot ng pangulo ang pakikisimpatya sa UAE.
Inalala ni Pangulong Duterte si His Highness Sheikh Khalifa na ang pamumuno ay naging krusyal para sa sustained economic transformation ng UAE.
Sinabi ng pangulo na si His Highness Sheikh Khalifa ay aalalahanin hindi lamang sa UAE dahil sa kaniyang legacy of leadership, wisdom at benevolence. (DDC)