Media personality na si Ramon Tulfo inaresto habang dumadalo sa pagdinig sa Manila RTC
Inaresto ng mga otoridad ang media personality na si Ramon Tulfo.
Kinumpirma ito ni dating Justice Sec. Vitaliano Aguirre at ni Manila Police District (MPD) chief Police Brig. Gen. Leo Francisco.
Ayon kay Aguirre, dinakip si Tulfo habang siya ay dumadalo sa pagdinig sa Manila Regional Trial Court (RTC) sa kinakaharap niyang kasong libel.
Ang kasong libel ni Tulfo ay isinampa ni Aguirre.
Dinakip si Tulfo dahil sa ipinalabas na “bench warrant” ng Manila RTC Branch 24.
Ilang beses kasing hindi sinipot ni Tulfo ang mga pagdinig na itinakda ng korte.
Sa hiwalay na pahayag sinabi ni Gen. Francisco na dinala si Tulfo sa MPD-Smart sa City Hall habang inaasikaso ang piyansa para sa kaniyang pansamantalang kalayaan. (DDC)