Coast Guard matagumpay na nakapaglagay ng navigational buoys sa West PH Sea

Coast Guard matagumpay na nakapaglagay ng navigational buoys sa West PH Sea

Nakapaglagay ng limang navigational buoys ang Philippine Coast Guard (PCG) sa apat na kritikal na isla sa West Philippine Sea.

Ayon sa PCG ang mga navigational buoys na mayroong 30-foot na haba ay inilagay sa Lawak Island, Likas Island, Parola Island, at Pag-asa Island.

Araw ng Miyerkules, May 18, nagsagawa ng arrival ceremony ang PCG sa pangunguna ni CG Admiral Artemio Abu para sa limang Coast Guard vessels na naglagay ng mga navigational buoys mula May 12 hanggang May 14.

Sinabi ni Abu na bagaman hindi madali ay naisakatuparan ang paglalagay ng sovereign markers sa tulong ng Task Force Kaligtasan sa Karagatan.

Ang nasabing mga markers ay tanda na ang vicinity waters ay ikinukunsiderang special protected zones.

Nangangahulugan na ang pagmimina at oil exploration ay ipinagbabawal.

“These buoys are now our source of pride and honor in serving our great nation. And because our fellow Coast Guardians braved numerous dangers during the said noble mission, they were able to bring the PCG to the next level of success,” ayon kay Abu.

Sinabi ni Abu na bagaman mayroong bangka at barko ng Vietnam at China sa lugar, ay nagpakita sila ng respeto sa isinagawang misyon ng PCG. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *