Proklamasyon ng mga nanalong partylist groups ipinagpaliban ng Comelec
Hindi tuloy ang proklamasyon ng mga nanalong partylist groups bukas, May 19.
Nagpasya ang National Board of Canvassers na i-adopt ang rekomendasyon ng Supervisory Committee na hindi muna magproklama ng partylist groups dahil hinihintay pang mai-transmit ang certificate of canvass mula sa Lanao del Sur.
Ayon sa Supervisory Committee, dapat isagawa na lamang ang proklamasyon sa partylist groups kapag dumating na ang resulta ng eleksyon mula Lanao del Sur.
Nauna nang nagdeklara ng failure of elections ang Comele sa 14 na mga barangay sa tatlong munisipalidad sa Lanao dahil sa naitalang election-related violence. (DDC)