North Korean leader Kim Jong Un dismayado sa pagtugon ng mga opisyal sa outbreak ng COVID-19

North Korean leader Kim Jong Un dismayado sa pagtugon ng mga opisyal sa outbreak ng COVID-19

Dismayado si North Korean leader Kim Jong Un sa pagtugon ng mga opisyal ng gobyerno sa outbreak ng COVID-19.

Umabot na sa 232,880 na katao sa North Korea ang nakitaan ng sintomas ng lagnat, at anim ang naitalang nasawi dahil sa COVID-19.

Hindi naman inilalabas ng North Korea kung gaano karami ang kumpirmadong tinamaan ng sakit.

Sa pulong ng ruling Workers’ Party, pinuna ni Kim ang aniya ay “immaturity” sa kapasidad ng mga opisyal na matugunan ang krisis.

Walang bakuna kontra COVID-19 sa NoKor.

Pero ayon sa ulat ng state media na KCNA, mayroong binuong COVID-19 treatment guide ang mga health official para matugunan ang problema. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *