Gintong medalya naagaw ng Muay Thai team ng Pilipinas matapos iprotesta ang pagkapanalo ng Vietnam

Gintong medalya naagaw ng Muay Thai team ng Pilipinas matapos iprotesta ang pagkapanalo ng Vietnam

Naiuwi ng duo na sina Islay Erika Bomogao at Rhichein Yosorez ang kauna-unahan at gintong medalya ng Pilipinas sa Muay Thai sa women’s waikru event sa ginaganap na 31st Southeast Asian Games sa Vietnam.

Unang ginawaran ng silver medal sina Bomogao at Yosorez pero nagprotesta ang muay thai team ng Pilipinas matapos matuklasan ang hindi pagkakatugma sa score ng team mula sa Vietnam na ginawaran ng gold.

Nabatid na sa dalawang rounds ay sumobra sa two-minute waikru limit ang team ng Vietnam kaya dapat ay magkaroon sila ng deduction.

Naging matagumpay naman ang protesta ng Pilipinas kaya iginawad ang gintong medalya kina Bomogao at Yosorez.

Matapos ang apgsuri sa score nasa 8.68 ang puntos ng Philippine team habang ang team ng Vietnam ay 8.56. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *