Live coverage ng eleksyon para sa mga may kapansanan at vulnerable sector naging matagumpay

Live coverage ng eleksyon para sa mga may kapansanan at vulnerable sector naging matagumpay

Matagumpay na naisagawa ng National Council on Disability Affairs (NCDA) ang kauna-unahang Live Coverage sa idinaos na National and Local Elections.

Layunin ng coverage na mabigyan ng up to date na impormasyon ang mga persons with disabilities at vulnerable sectors sa mga naging kaganapan noong halalan.

Ginawa din ang coverage para tiyak na may impormasyon ang mga PDWs sa voting procedure, Accessible Polling Places (APP) at Emergency Accessible Polling Places (EAPP).

Pinangunahan ni NCDA Executive Director, Engr. Emerito L. Rojas ang coverage na nagbigay ng kanyang mga rekomendasyon kung paanong mas mashusay na makapagbigay ng pantay na pagkakataon sa mga taong may kapansanan na gamitin ang kanilang karapatan sa pagboto.

Sa panig ng Comelec, nagbigay ng mga katugunan si Maureen Ava Mata mula sa Comelec Vulnerable Sector Office, sa mga tanong at concern ng mga PWDs sa kanilang pagboto.

Tinalakay naman ng Legal Network for Truthful Elections (LENTE), isang ‘non-government organization’, na kinatawan ni Ms. Jenica Czarina Mendez, ang mga kontribusyon ng kanilang grupo sa paghahanda para sa 2022 ‘elections’ sa pamamagitan ng pagpapakilos sa network nito para sa kamalayan ng publiko sa mga karapatan ng mga mga taong may kapansanan at dokumentasyon ng mga isyu upang magamit sa susunod na halalan.

Sinabi ng NCDA na bagaman may ilang problemang naitala nnoong halalan ay nabigyan naman ito ng karampatang solusyon.

Sa kabuuan naging matagumpay ayon sa NCDA ang pagpapakalat ng kaalaman sa mga taong may kapansanan sa kanilang karapatan sa pagboto sa tulong ng Comelec at LENTE. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *