141 COCs natanggap na ng senado

141 COCs natanggap na ng senado

Umabot na sa 141 na Certificates of Canvass (COCs) ang natanggap ng Senado para sa nagdaang presidential at vice presidential elections.

Ayon sa Senado, 81.50 percent na ito ng kabuuang 173 COCs na inaasahang maita-transmit.

Kabilang sa natanggap nang COCs at Election Returns (ERs) ng Senado ay ang mga mula sa Tawi-Tawi, Leyte, Davao City, Zamboanga del Sur, 63 barangays sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), Siquijor, Bohol at Manila.

Dumating na din ang COCs mula sa CNMI (Agana), Kuwait, Japan at Oman.

Bago sumapit ang May 24 dadalhin ang mga COC at ER sa House of Representatives.

Sa nasabing petsa inaasahan na magco-convene ang Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso para magdaos ng joint session upang isagawa ang canvassing ng mga boto sa 2022 Presidential at Vice Presidential elections. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *