Pangulong Duterte, VP Robredo imbitado sa proklamasyon ng 12 mananalong senador
Kumbidado sina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo sa proklamasyon ng labingdalawang mananalong senador sa katatapos na eleksyon.
Ayon kay Comelec Commission George Garcia, maliban kina Duterte at Robredo, imbitado din ang senate president, house speaker at chief justice.
Isasagawa ang proklamasyon bukas, May 18.
Sa ngayon ani Garcia, wala pang nagkukumpirma sa nasabing mga opisyal para dumalo sa proklamasyon.
Si Robredo ay nasa US ngayon dahil sa graduation ceremony ng kaniyang bunsong anak na si Jillian Robredo. (DDC)