Judge nag-post ng kaniyang topless na larawan sa FB, napagsabihan ng Korte Suprema

Judge nag-post ng kaniyang topless na larawan sa FB, napagsabihan ng Korte Suprema

Napatunayang guilty sa “conduct unbecoming” ng Korte Suprema ang isang judge sa La Union Regional Trial Court makaraang mag-post sa social media ng kaniyang larawan na walang pang-itaas at kita ang mga tattoo sa katawan.

Sa desisyong isinulat ni Justice Henrie Hean Paul Inting ng SC second division, pinagsabihan ang hukom at binalaang mapapatawan na ng mas mabigat parusa kung uulitin ang kaniyang ginawa.

Sa rekord ng korte, ginamit ng hukom ang kaniyang topless na larawan bilang cover photos at profile pictures sa kaniyang Facebook account at ang printed copies ng mga ito ay ipinaabot sa Office of the Court Administration (OCA).

Ikinatwiran ng hukom na na-hack ang kaniyang Facebook noong 2019 at ang privacy setting at ginawang public.

Sinabi ng hukom na ang mga larawan niya sa Facebook na kita ang kaniyang mga tattoo ay hindi naka-public.

Pero sa pasya ng OCA, napatunayang guilty ang hukom at inirekomendang pagmultahin ng P15,000.

Kaugnay nito ay pinaalalahanan ng SC ang mga hukom na maging maingat sa kanilang mga ibinabahagi sa social media. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *