Apat na barko ng bansa lalahok sa Regional Marine Pollution Exercise sa Indonesia
Pinangunahan ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, CG Admiral Artemio Abu ang send-off ceremony sa apat na barko ng bansa na lalahok sa Regional Marine Pollution Exercise o MARPOLEX 2022 sa karagatang sakop ng Makassar, Indonesia.
Idaraos ang maritime exercise mula May 22 hanggang May 29.
Makatutulong ang aktibidad sa doctrines, training, capability development, at strategies na magagamit ng PCG sa hinaharap.
Ayon kay Abu ang paglahok ng PCG sa MARPOLEX 2022 ay makapagpapalakas din sa oil spill response at management capability, at makapagpapatibay pa lalo sa relasyon at interoperability sa Coast Guards ng Indonesia at Japan.
Kabilang sa lalahok sa aktibidad ang pinakamalaking Barko ng PCG na BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701).
Ito ang magiging kauna-unahang deployment ng naturang barko.
Ang tatlo pang barko nanlalahok sa aktibidad ay ang BRP Gabriela Silang (OPV-8301), BRP Malapascua (MRRV-4403), at BRP Cape EngaƱo (MRRV-4411). (DDC)