DOH nakapagtala ng 1,118 na bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na isang linggo
Nakapagtala ng 1,118 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa mula May 9 hanggang May 15, 2022.
Ang datos ayon sa Department of Health (DOH) mas mababa ito ng 0.3 percent kumpara sa naitalang mga bagong kaso noong May 2 hanggang May 8.
Ayon sa DOH, sa 1,118 na bagong mga kaso, 14 ang severe at critical cases.
Habang nakapagtala naman ng 16 na dagdag na bilang ng mga nasawi .
Samantala, iniulat din ng DOH na mayroon nang 68,665,070 na fully vaccinated individuals.
Umabot naman na sa 13,620,199 ang nakatanggap ng booster shots. (DDC)