Mga negosyo na nasa retail at services sector puwedeng humingi ng exemption sa pagpapatupad ng wage hike

Mga negosyo na nasa retail at services sector puwedeng humingi ng exemption sa pagpapatupad ng wage hike

Maaaring mag-apply para sa exemption sa wage hike ang mga negosyo na nasa retail at services sector.

Pahayag ito ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) matapos iutos ang pagtataas ng P33 sa minimum wage sa Metro Manila, P55 hanggang P110 sa Western Visayas.

Ayon kay NWPC Executive Director Maria Criselda Sy, sa ilalim ng omnibus rules ang mga nasa micro business sa retail at service sector na nag-eemployo lamang ng hindi hihigit sa sampung manggagawa ay puwedeng mag-apply ng exemption sa wage hike.

Kabilang din sa maaring maghain ng aplikasyon para sa exemption ang mga establisyimentong naapektuhan ng natural calamities at pandemya.

Kailangan lamang isumite ang aplikasyon sa regional wage boards para maisailalim sa review. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *