South Korea handang mag-suplay ng COVID-19 vaccines at gamot sa North Korea
Nag-alok ng tulong ang South Korea sa North Korea dahil sa nararanasang surge sa COVID-19.
Nagpasya si South Korean President Yoon Suk-yeol na maglaan ng mga suplay para sa North Korea.
Kabilang dito ang mga suplay ng bakuna at gamot.
Batay sa ulat ng state media sa Pyongyang, mabilis ang pagkalat ng COVID-19 sa NOrth Korea.
Ayon sa Korean central News Agency (KCNA), nasa 187,800 na katao ang naka-isolate sa NoKor at ginagamot dahil sa lagnat.
Nakapagtala na din ng 6 na katao na nasawi dahil sa COVID-19. (DDC)